Pagkatapos ng misa kaninang 6 am, gutom na gutom ako at para akong buntis na nananabik na makakain ng mani. Paborito ko yung Sugo na kulay red(hot) at dilaw(with skin) at saktong bibili si tatay ng gasul kaya binilin kong ibili ako ng isang pack. Pagkabigay ni tatay ng isang pack ng Sugo ay nilantakan ko lahat isa-isa habang nagbabasa ng mga interesting status sa Facebook, hanggang isa nalang ang matira sa 20 maliit na pakete. Hindi naman sa sinadya kong tinira ang isa, kayalang hindi ko na talaga kaya. Umay na umay ako at sa ganitong pagkakataon, beer o wine lang ang katapat ng kaumayan ko sa pagkain. So ang ending, matapos kong nilantakan ang buong pakete ng Sugo ay heto na namang isang bote ng white wine ang pinagbalingan.
Hindi nako kumuha ng baso at diretso nakong uminon sa bote ng Novellino dahil kalahati nalang at confident akong mauubos ko ito hanggang tuluyan nakong tinamaan ng alcohol. Habang binabrowse ko ang mga status eh napatingin ako sa isang special na tao at tuwang-tuwa akong makitang nakaonline siya. Hindi ko sya minemessage kahit nakaonline sya dahil hindi rin naman ako sasagutin, natutuwa lang ako kasi pagnakaonline sya eh mas malaki ang chance na i "Hi" manlang nya ako. Ang taong ito ay ang pinakamamahal kong boyfriend.
Kapag nasa huwisyo ako wala naman akong nararamdaman na kalungkutan sa lovelife ko. Pero may pagkakataon talaga, na may mga bagay bagay na magpapaalala sayo kung gano kalungkot at kasakit ang mga nangyayari na. Siguro dahil ito sa alak kaya ako biglang nalungkot o kaya dahil sa makulimlim na panahon dahil kay Bagyong Quiel. Di ko makalimutan ang araw na una ko syang nasilayan sa Facebook, kinulit hanggang pumayag na makipagkita sakin hanggang mapilit ko syang maging kami. Medyo mahirap ang set-up ng aming relasyon, di nya ako sinasabihan ng i love you o iba pang mga sweet na salita. Walang kumustahan o kahit ano paman. Wala akong assurance sa kanya kundi ang kanyang matamis na ngiti at maamong mga mata.
Siguro masasabi mo na tanga ako. Kahit ako rin naman masasabi ko na tanga talaga ako sa setup na ganito. Ngunit kahit ano mang hirap ang nadarama ko, isang ngiti o kahit isang pagsisimangot lang sakin eh napapawi na. Minsan natatawa nalang ako sa aking sarili. Daig ko pa ang baliw at lipang.
Ang pag-ibig ay nagdudulot ng kakaibang pakiramdam. Ito ay nagdudulot ng kakaibang saya at kakaibang lungkot. Minsan di mo na alam ang mainit sa malamig dahil parehong sakit lang ang nararamdaman mo. Napakaweird talaga, kahit alam mong masusunog ka sa paglapit sa apoy ay mayroong kakaibang force na pilit nagsasabi na magiging ok lang ang lahat kahit minsan hindi na. Sa pagkakataong hindi mo alam ang iyong nararamdaman, ang pinaka maiging gawin ay magstay nalamang at hayaang lumipas ang dapat lumipas at manatili ang dapat manatili.
Hindi lang nakakabulag ang pagibig, nakakabingi ito at nakakamanhid. Iniisip ko na mabuti nga na tuwing umiigbig tayo ay nabubulag tayo, nabibingi at nagigingmanhid. Kailangan nating mabulag, mabingi at maging manhid upang matangap natin ang ating iniibig kung ano pa mang klaseng tao sya.
May mga bagay-bagay na hindi na nangangailangan ng mga tanong at mga sagot. May bagay na hindi na nangangailangan ng explenasyon o pagiisip kaya. Ito ung mga bagay na hinahayaan na lang mangyari at lumipas na lang katulad ng bagyong nararanasan ko ngayon. Ang pinakamahalaga ay handa ka sa pagdaan nito at manatili ka paring buo sa paglipas nito.

No comments:
Post a Comment