Mag-aalas dose na ng gabi ng nagulantang ako sa mahaba at malakas na ringtone ng aking celphone. Inis na inis ako dahil nakalimutan kong i-silent ang celphone ko. Sino na namang adik at insomiak ang nagtext sa kalagitnaan ng gabi? Habang pilit kung binubuka ang mga matang tulog pa, unti-unti ding lumilinaw ang nilalaman ng text. Congrats, you have been shortlisted as a potential Peer Educator. Please check your email. Napukaw ang diwa ko nang matanto ko na galing kay Chris ng Love Yourself Project ang text na response sa application ko as Peer Educator. Bumangon ako at binuksan ang email.
Pagbukas ko sa email, nandoon lahat ng impormasyon about sa pagiging Peer Educator at kung interesasado talaga ako ay kailangan kong magrespond sa letter na magcocomit ako. Malakilaking decision din ang aking gagawin sa kalagitnaan ng gabi. Madaming mga bagay-bagay ang naglaro sa aking kaisipan habang natulala sa screen ng computer. Alam ko hindi biro-biro ang aking pinapasukan. Sinubukan kong maging objective sa pagdedecision ano ang mga advantages at disadvantage ng pagiging Peer Educator. Ilan sa mga bagay na nag uudyok sa akin na huwag nang ituloy ay ang mga mga sumusunod: Una kailangan magaattend ka ng tatlong araw na seminar. Wala akong trabaho ngayon, i have the time but not the financial and capabilities. Pangalawa, iniisip ko na baka may sirang ulong HIV positive na maghahamok during my encounter at pagtutusuktusukin ako hangang mahawa (napakaimginative ko talga). Pangatlo, isa sa mga katanungan sa email kung magkano ang gusto mong i-donate (buti na lamang may choice na 100% COMMITMENT at syempre yun ang chineck ko), wala tlga akong kakayahang magdonate kahit sa mababang halaga, kaya iniisip ko rin baka nakakahiya na wala akong maibigay. Pang-apat, baka in the near future eh maging busy ako at hindi ko na magampanan ang aking tungkulin.
Sa pagkakataon na yaon ay nasa dilemma ako. Malaking bahagi ng aking pagkato ay nagsasabing wag mo nang ituloy dahil magiging pabigat lang yan. Ilang saglit lang ay bigla kong naalala ang munti kong pangarap nung bata bata pa ako. Simple lang ang pangarap ko sa buhay. Isang bahay, isang sasakyan (montero or hilux), sa isang katamtamang laking bakuran na puno ng pine tree at laging malamig ang paligid, regular na trabaho (8am-4pm), nagsisimba every sunday at gumagawa ng mga charity works. Yun ang pangarap kong buhay. Pangarap na unti-unti nalang nagiging pangarap. Hanga ngayon pareho parin ang aking pangarap pro mas nagiging makatotohanan nako, ngayon ang binabalak ko ay makabili man lang ng maliit na lote sa Baguio at tatamnan ko nalang ng mga mga pine tree (ang pangarap ko kasi dati sa Canda manirahan). Masakit ang nadarama ko kapag naiisip ko na wala pa akong natutupad sa mga pangarap ko. Ang pakiramdam ay parang nakakain ka ng puto seko at nabibilaukan ka. Minsan pati ang pananampalataya ko sa Diyos ay lubusang nasusubukan, sa totoo lang minsan nakakasawa din ang magdasal ng paulit-ulit, at ang paulit-ulit na dasal ay nangangahulugang hindi pa natutupad. Nais kong maabot lahat ng pangarap ko dahil ito ang magdidikta ng kaganapan ng aking buhay at ang pagtulong sa kapwa ay isa pala sa mga pangarap ko.
Inisip ko na bakit nagdadalwang isip ako sa pagiging Peer Educator kung isa ito sa mga pangarap ko. Sa kalagayong kong walang trabaho ngayon at wala pang naipupundar at naiipon, mukhang ang paggawa ng mga charito works ay hindi ko prayoridad. masyado nang bagsak ang self esteem ko. Isa ako sa pinakamagaling at pinakamasipag na studyante dati. Marami nakong napuntahan pro wala pang nararating.
Pilit kong tinitimbang ang mga pangarap ko kung ano ang mahalaga. Siguro dahil sa kakapusan ngayon ay nagiging makasarili ako at may pagkamaterial. Pilit akong humuhugot ng inspirasyon sa mga buhay ng mga santo kung papano sila namuhay pro hindi rin eh, hindi naman ako santo at kailangan talagang may pera ka.

